Sa isang usapan sa telepono, sinabi ni Dela Rosa na nakatanggap siya ng impormasyon na nitong Linggo ay nag-“meeting” ang mga drug lord na nakapiit sa New Bilibid Prison ng Muntinlupa City at nagkasundo sa pabuya.
Tinutukoy ng police official ang naunang alok ni Duterte ng P5 milyon para sa bawat drug lord na mahuhuli o mapapatay. Ayon kay Dela Rosa, posible pa para sa mga convicted drug lord na magsagawa ng operasyon kahit nasa loob ng NBP.
Pero sinabi ng incoming PNP chief na di siya natatakot dito at sasalubungin pa ang banta. Patukoy sa mga umano’y nagpatong ng pera sa ulo niya at ni Duterte. Nang tanungin kung anong plano niya para tugunan ang banta, sinabi ni Dela Rosa na: “Basta magugulat ka na lang.”